-
Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
-
-
hindi kailangan ng mga kahalili: O “permanente siya,” ibig sabihin, hindi kailangang palitan. Lahat ng mataas na saserdote sa angkan ni Aaron ay namatay, kaya kailangang may humalili sa kanila. (Heb 7:23) Dahil si Jesu-Kristo ay “mananatiling buháy magpakailanman,” hindi kailangan ng mga kahalili sa pagkasaserdote niya.—Tingnan ang study note sa Heb 7:25.
-