Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hebreo 7:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Dahil kailangan natin ng gayong mataas na saserdote na tapat, walang kasamaan, walang dungis,+ hindi gaya ng mga makasalanan, at itinaas nang higit pa sa langit.+

  • Hebreo 7:26
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan
    • 26 Sapagkat ang ganitong mataas na saserdote ay nararapat para sa atin,+ matapat,+ walang katusuhan,+ walang dungis,+ hiwalay sa mga makasalanan,+ at naging mas mataas kaysa sa langit.+

  • Hebreo
    Tulong sa Pag-aaral ng mga Saksi ni Jehova—2019 Edisyon
    • 7:26

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 178

      Kaunawaan, Tomo 2, p. 622

  • Mga Study Note sa Hebreo—Kabanata 7
    Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan (Edisyon sa Pag-aaral)
    • 7:26

      mataas na saserdote na tapat: Binanggit ni Pablo ang katangiang ito bilang isa sa pinakamalalaking dahilan kung bakit nakahihigit si Jesus sa sinumang Judiong mataas na saserdote na naglingkod sa Israel; walang makakapantay sa perpektong rekord niya ng katapatan sa Diyos. Ang salitang Griego na isinalin ditong “tapat” ay puwede ring tumukoy sa pagiging “banal” o “deboto” (gaya ng mababasa sa ibang salin), pero matibay ang basehan ng saling “tapat.” Halimbawa, madalas gamitin sa Septuagint ang salitang Griegong ito bilang panumbas sa salitang Hebreo na nangangahulugang “tapat.” Isinulat ni David sa Aw 16:10: “Ang tapat sa iyo ay hindi mo hahayaang mapunta sa hukay.” Parehong sinipi nina Pedro at Pablo ang awit na ito, at ipinatungkol nila ito kay Jesus. Ang salitang Griego na ginamit dito ni Pablo ay ginamit din sa Gaw 2:27 at 13:35. (Ihambing ang study note sa Tit 1:8.) Sa lahat ng nilalang ng Diyos, si Jesus ang pinakamagandang halimbawa ng katapatan, kaya tama lang na tumukoy sa kaniya ang ekspresyong “tapat sa [Diyos].”

      hindi gaya ng mga makasalanan: Lit., “hiwalay sa mga makasalanan.” Si Jesus ay “hindi gaya” ng lahat ng iba pang tao—kasama na ang mga taong mataas na saserdote—dahil hindi siya kailanman nagkasala. (1Pe 2:22) Wala rin siyang tendensiyang magkasala. Sa pamamagitan ng banal na espiritu, pinrotektahan siya ni Jehova para hindi siya magmana ng kasalanan mula sa kaniyang di-perpektong ina na si Maria. (Luc 1:35) Pero ang ekspresyong “hiwalay sa mga makasalanan” ay hindi nangangahulugang iniwasan ni Kristo ang lahat ng makasalanan at di-perpektong tao. Bilang maawaing Mataas na Saserdote, hindi sila nilayuan ni Jesus dahil gusto niyang tulungan silang mapalapít kay Jehova at maabot ang mga pamantayan Niya. (Mat 9:11, 12) Kaya sinabi ni Pablo na “kailangan” ng makasalanang mga tao ng ganiyang Mataas na Saserdote. (Ihambing ang Heb 2:10 at study note.) Isa pa, nang sumulat si Pablo sa mga Hebreo, matagal nang ‘hiwalay si Jesus sa mga makasalanan’ sa isa pang diwa—umakyat na siya sa langit.

      itinaas nang higit pa sa langit: Itinaas ni Jehova ang Anak niya nang paupuin niya ito sa kaniyang kanan, isang posisyon na di-hamak na mas mataas kaysa sa anumang bagay na nasa pisikal na langit at malayong-malayo sa makasalanang mga tao. (1Ha 8:27; Heb 1:3 at study note; 4:14 at study note) Kaya ang pagkasaserdote ni Jesus ay mas mataas kaysa sa mga Levita, na naglingkod sa templo na malapit nang wasakin noon. Isa pa, madalas ding gamitin sa Bibliya ang “langit” para tumukoy sa pamamahala o gobyerno. (Isa 65:17; Dan 4:26; 2Pe 3:13; Apo 21:1) Bilang hari at saserdote na gaya ni Melquisedec, ang pamamahala ni Jesus ay mas mataas sa lahat ng gobyerno at awtoridad sa langit at sa lupa dahil nakaupo siya sa trono niya sa kanan ng Diyos.—Mat 28:18; 1Co 15:27; Efe 1:20, 21; Fil 2:9; 1Ti 6:14-16; Heb 1:4 at study note; ihambing ang Col 1:16 at study note.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share