Talababa
a Ang ilang alaala ay lumilitaw sa anyo ng saykosomatikong mga kirot; ang iba ay sa anyo ng mga guniguni na maaaring mapagkamalang gawain ng mga demonyo—mga tunog ng pumapasok na walang pahintulot, gaya ng bumubukas na pinto; mga anino sa mga pasilyo at bintana; ang pagkadama ng isang di-nakikitang kasama sa kama. Ang gayong pagkabalisa ay karaniwang humihinto kapag ganap na lumitaw ang mga alaala.