Talababa
a Tungkol sa salitang Hebreo na isinaling “tinangisan,” ang Theological Wordbook of the Old Testament ay nagsasabi: “Lahat ng nakadarama sa pagkawala ng yumao ay makikiramay sa dalamhati ng mga miyembro ng pamilya. . . . Kadalasang kasama sa pagdadalamhati ang matinis na mga pag-iyak o paghagulgol.” Tungkol sa salitang Hebreo na “umiyak,” ang aklat ding iyon ay nagpapaliwanag: “Kung paanong ang mga luha ay nauugnay sa mga mata, ang pag-iyak ay nauugnay sa tinig; ang mga Semita ay hindi umiiyak nang mahina, kundi malakas. . . . Sa buong M[atandang] T[ipan] ang pag-iyak ay natural at kusang kapahayagan ng matinding damdamin.”