Talababa
b Ang unang-siglong mga Kristiyano na sinulatan ni Pablo ay may pag-asa ng isang pagkabuhay-muli tungo sa langit kung saan sila ay maglilingkod bilang mga kasamang tagapamahala ni Kristo. (1 Tesalonica 4:14-17; ihambing ang Lucas 22:29, 30.) Sa gayo’y pinatibay-loob sila ni Pablo na aliwin ang isa’t isa taglay ang pag-asa na sa pagkanaririto ni Kristo ang mga tapat sa kanila na namatay na ay bubuhaying-muli at makakasama ni Kristo at ng isa’t isa. Gayunman, para sa karamihan ng mga namatay, ang Bibliya ay nangangako ng isang pagkabuhay-muli tungo sa isang isinauling makalupang paraiso.—Juan 5:28, 29; Apocalipsis 21:1-4.