Talababa
b Sinuman na nagkasala noon at nakapagpalaglag ng buhay na di pa naisisilang ay hindi kailangang maghinuha na wala nang pag-asa. Sila ay makapagtitiwala na si Jehova ay tutulong sa nagsisising makasalanan at ‘saganang nagpapatawad.’ (Isaias 55:7) Bagaman ang mga pilat ng damdamin ay maaaring manatili, ganito ang pagtitiyak ng salmista: “Kasinlayo ng sikatan ng araw mula sa lubugan ng araw, gayon kalayo niya ilalagay ang ating mga paglabag mula sa atin.”—Awit 103:12.