Talababa
a Dalawang uri ng walang usok na tabako ang karaniwang ginagamit: ang snuff at nginunguyang tabako. Mayroong tuyo at mamasa-masang snuff. Para sa mga kabataan, ang mamasa-masang snuff—pinung-pinong tabako na nilagyan ng matamis, pampalasa, at bango, na nasa lata o gaya ng nasa mga pakete ng tsaa—ang pinakakilalang anyo ng walang usok na tabako. Ang “dipping” ay tumutukoy sa paglalagay ng isang kurot ng pinulbos na tabako—ang dami ng tabako na inilalagay sa hinlalaki at hintuturo—sa pagitan ng labi o ng pisngi at ng gilagid.