Talababa
a Isang malinaw na pagkakaiba ang ginawa sa pagitan ng paghiwa para sa layuning pangmedisina o maging sa pagpapaganda at ng di-mapigilang paghiwa sa sarili o pagputol sa mga bahagi ng katawan na ginagawa ng maraming kabataan, lalo na ng mga tin-edyer na babae. Ang huling banggit ay kadalasang isang sintomas ng malubhang emosyonal na kaigtingan o pang-aabuso, na nangangailangan ng tulong ng isang propesyonal.