Talababa
a Ayon sa aklat-aralin na Modern Blood Banking and Transfusion Practices ni Dr. Denise M. Harmening, maaaring maganap ang “delayed hemolytic transfusion reaction [naantalang pagkasira ng mga pulang selula ng dugo dahil sa pagsasalin ng maling uri ng dugo] . . . sa isang pasyente na naging sensitibo dahil sa naunang pagsasalin, pagdadalang-tao, o paglilipat ng sangkap ng katawan.” Sa gayong mga kaso, ang mga antibody na nagpapangyari sa pasyente na magkaroon ng masamang reaksiyon sa isang pagsasalin ay “hindi nakikita sa karaniwang mga paraan ng pagsusuri bago ang pagsasalin.” Ayon sa Dailey’s Notes on Blood, ang hemolysis “ay maaaring maganap kahit na kaunti lamang ng hindi magkabagay . . . na dugo ang maisalin. Kapag hindi na nga gumana ang mga bato, unti-unting nalalason ang pasyente dahil hindi na kayang alisin ng mga bato ang mga dumi sa dugo.”