Talababa
a Kabilang sa prominenteng mga iskolar at siyentipiko na naghayag sa publiko na sumusuporta sila sa konsepto ng “isang Matalinong Disenyador” ay sina Phillip E. Johnson, na nagtuturo ng abogasya sa University of California, Berkeley; ang biyokimiko na si Michael J. Behe, na may-akda ng aklat na Darwin’s Black Box—The Biochemical Challenge to Evolution; ang matematikong si William A. Dembski; ang pilosopo sa lohika na si Alvin Plantinga; ang mga pisikong sina John Polkinghorne at Freeman Dyson; ang astronomong si Allan Sandage; at ang iba pa na napakarami upang itala.