Talababa
a Ang merengue ay musikang pansayaw na ang tiyempo ay 2/4. Sa tradisyonal na anyo nito, ang merengue ay tinutugtog ng isang maliit na grupo ng mga musikero sa akordiyon, guiro (metal scraper), at tambora (maliit na tambol na may dalawang uluhan). Sa paglipas ng panahon, nabuo ang mas malalaking grupo (kilala rin bilang mga orquesta sa Dominican Republic). Sa kasalukuyan, maraming grupong tumutugtog ng merengue ang gumagamit ng keyboard, saksopono, trumpeta, at mga conga drum, at iba pang instrumento.