Talababa
b Dahil sa metrosexuality—istilo ng pamumuhay na ang mga lalaki ay labis na nagtutuon ng atensiyon sa kanilang sarili at lalo na sa kanilang hitsura—naging mahirap makita ngayon ang pagkakaiba ng isang homoseksuwal at ng isang heteroseksuwal. Ayon sa lalaki na sinasabing nakaimbento ng salitang ito, ang taong metrosexual ay “maaaring isang homoseksuwal, heteroseksuwal o kaya’y silahis, ngunit hindi ito ang mahalaga dahil maliwanag na ang sarili niya ang mahal niya at nakikipagtalik siya sa anuman o sa sinumang nakapagdudulot sa kaniya ng kaluguran.” Naging popular ang terminong ito, sabi ng isang ensayklopidiya, “dahil tanggap na sa lipunan ang mga bakla at hindi na gaanong ginagawang isyu ang homoseksuwalidad at ang nagbabagong mga ideya tungkol sa mga katangian ng tunay na lalaki.”