Talababa
a Sa halip na ituring na masama ang Internet, makabubuting maging pamilyar ang mga magulang sa mga Web site na madalas puntahan ng kanilang mga anak. Sa ganitong paraan, maaaring matulungan ang mga bata na ‘sanayin ang kanilang mga kakayahan sa pang-unawa na makilala kapuwa ang tama at ang mali.’ (Hebreo 5:14) Malaking tulong sa paglaki ng mga bata ang gayong patnubay ng magulang.