Talababa
b Kinuha ang pangalan nito kay John Langdon Down, ang Ingles na doktor na unang naglathala ng tumpak na paglalarawan sa sakit na ito noong 1866. Noong 1959, natuklasan ng Pranses na si Jérôme Lejeune, isang dalubhasa sa henetika, na ang mga sanggol na may DS ay isinilang na may sobrang kromosom sa kanilang mga selula. Sa halip na 46 lang, mayroon silang 47. Nang maglaon, nalaman ng mga mananaliksik na ang sobrang kromosom ay kopya ng ika-21 kromosom.