Talababa
a Ang ideyang ito ay waring nakuha sa mga isinulat ng Kastilang obispo na si Isidore ng Seville (560-636 C.E.), na nagsabi: “May tatlong sagradong wika, Hebreo, Griego, at Latin, at ang mga ito ang nangunguna sa buong mundo. Sapagkat sa tatlong wikang ito ipinasulat ni Pilato sa ibabaw ng krus ang paratang laban sa Panginoon.” Siyempre pa, ang desisyong isulat ito sa tatlong wikang iyon ay mula sa mga paganong Romano at hindi sa Diyos.