Talababa
b Hindi lahat ng manuskrito na natuklasan sa Dagat na Patay ay kahawig-na-kahawig ng umiiral na teksto ng Bibliya. Ang iba ay nagpapakita ng malalaking pagkakaiba sa teksto. Gayumpaman, ang mga pagkakaibang ito ay hindi nangangahulugan na napilipit na ang saligang kahulugan ng teksto. Ayon kay Patrick W. Skehan ng Catholic University of America, karamihan nito ay kumakatawan sa “pagbabago [ng teksto ng Bibliya] salig sa sariling kabuuang lohika nito, kung kaya’t ang anyo ay napalalawak subali’t ang diwa ay nananatili pa ring gayon . . . Ang saligang saloobin ay isa na nagpapakita ng maliwanag na pagpipitagan sa isang teksto na itinuturing na sagrado, isang saloobin (kung ating ilalarawan) ng pagpapaliwanag sa Bibliya sa pamamagitan din ng Bibliya sa mismong pagkopya ng tekstong nasasangkot.”8
Ganito ang dagdag ng isa pang komentarista: “Sa kabila ng lahat ng pag-aalinlangan, nananatili pa rin ang dakilang katotohanan na, pangunahing na, ang tekstong taglay natin ngayon ay kumakatawan nang may-kainaman sa aktuwal na mga pananalita ng mga sumulat, na ang marami sa kanila ay nabuhay halos tatlong libong taon na ngayon ang nakalilipas, at hindi natin dapat masyadong pag-alinlanganan ang kamalian ng teksto kaugnay ng pagiging-tunay ng mensahe na ipagkakaloob sa atin ng Matandang Tipan.”9