Talababa
c Halimbawa: (1) Nang sumapit ang ika-16 na siglo, ang mga kilusang laban sa Trinidad ay malakas noon sa Europa. Halimbawa, si Ferenc Dávid (1510-79), taga-Hungary, ay nakaalam at nagturo na ang aral ng Trinidad ay hindi maka-Kasulatan. Dahil sa kaniyang mga paniniwala, namatay siya sa piitan. (2) Ang Minor Reformed Church, na umunlad sa Polandya sa loob ng isandaang taon noong ika-16 at ika-17 mga siglo, ay tumanggi rin sa Trinidad, at ang mga tagapagtaguyod ng simbahang iyan ay nagpalaganap ng mga literatura sa buong Europa, hanggang sa magtagumpay ang mga Jesuita na mapalayas sila sa Polandya. (3) Si Sir Isaac Newton (1642-1727), sa Inglatera, ay tumanggi sa doktrina ng Trinidad at sumulat ng detalyadong makasaysayan at maka-Kasulatang mga dahilan kung bakit, subalit hindi niya nailathala ang mga ito noong kaniyang kapanahunan, maliwanag na dahilan sa takot sa maaaring mangyari. (4) Bukod sa iba pa sa Amerika, inilantad ni Henry Grew ang Trinidad bilang di-maka-Kasulatan. Noong 1824 masinsinan niyang tinalakay ang bagay na ito sa An Examination of the Divine Testimony Concerning the Character of the Son of God.