Talababa
g Sa mas detalyadong pagtalakay sa paksa, noong 1955, ang buklet na Ano ang Sinasabi ng mga Kasulatan Hinggil sa “Buhay Pagkatapos ng Kamatayan”? (sa Ingles) ay nagpaliwanag na ang ulat ng Bibliya ay nagpapakitang aktuwal na hinimok ni Satanas si Eva na maniwalang siya’y hindi mamamatay sa laman bilang resulta ng pagwawalang-bahala sa pagbabawal ng Diyos na pagkain ng bunga mula sa “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.” (Gen. 2:16, 17; 3:4) Dumating ang panahon, iyan ay maliwanag na napatunayang mali, ngunit mayroon pang mga lumitaw na nag-ugat sa unang pagsisinungaling na iyan. Tinanggap ng mga tao ang palagay na ang di-nakikitang bahagi ng tao ay patuloy na nabubuhay. Kasunod ng Baha ng kaarawan ni Noe, ito’y pinagtibay ng makademonyong mga kaugaliang espiritismo na nanggaling sa Babilonya.—Isa. 47:1, 12; Deut. 18:10, 11.