Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG

Talababa

e Na walang katarungan ang pagkabilanggo sa mga lalaking ito, at hindi sila wastong hinatulan, ay ipinakikita sa bagay na si J. F. Rutherford ay nanatili bilang miyembro ng bar ng Korte Suprema ng Estados Unidos mula nang siya’y tanggapin doon noong Mayo 1909 hanggang sa kaniyang kamatayan noong 1942. Sa 14 na kaso na inapela sa Korte Suprema mula 1939 hanggang 1942, si J. F. Rutherford ang isa sa mga abogado. Sa mga kasong tinatawag na Schneider v. State of New Jersey (noong 1939) at Minersville School District v. Gobitis (noong 1940), siya’y personal na nagharap ng orál na mga argumento sa Korte Suprema. Gayundin, noong panahon ng Digmaang Pandaigdig II, si A. H. Macmillan, isa sa mga lalaking walang-katarungang ibinilanggo noong 1918-19, ay tinanggap ng direktor ng pederal na Kawanihan ng mga Bilangguan bilang regular na bisita sa mga pederal na bilangguan sa Estados Unidos upang alagaan ang espirituwal na mga kapakanan ng mga kabataang lalaki na naroroon dahil sa paninindigan nila sa Kristiyanong neutralidad.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share