Talababa
a Tungkol sa mga anak ng mag-asawang may magkaibang relihiyon, ganito ang komento ni Steven Carr Reuben, Ph.D., sa kaniyang aklat na Raising Jewish Children in a Contemporary World: “Ang mga anak ay nalilito kapag ang mga magulang ay namumuhay sa patuloy na pagkakaila, pagkalito, paglilihim, at pag-iwas sa mga isyu tungkol sa relihiyon. Kapag ang mga magulang ay prangka, tapat, walang-pag-aalinlangan sa kaniyang pinaniniwalaan, sa pamantayang moral, at sa ipinagdiriwang, ang mga anak ay lumalaking taglay ang seguridad at sariling kahalagahan may kinalaman sa relihiyon na kailangang-kailangan sa pagpapasulong ng kanilang pangkalahatang pagpapahalaga sa sarili at pagkilala sa kanilang dako sa daigdig.”