Talababa
b Upang matumbasan ang perpektong buhay na naiwala ni Adan, si Jesus ay kailangang mamatay, hindi bilang isang perpektong batang paslit, kundi bilang isang perpektong adulto. Tandaan, kinusa ang kasalanan ni Adan, isinagawa taglay ang lubos na kabatiran sa kaselangan ng ginawa at ang mga bunga nito. Kaya upang maging “ang huling Adan” at matakpan ang kasalanang iyan, si Jesus ay dapat na gumawa ng isang maygulang at may-kabatirang pagpili na mapanatili ang kaniyang katapatan kay Jehova. (1 Corinto 15:45, 47) Sa gayon, ang pagiging tapat ni Jesus sa buong buhay niya—lakip na ang kaniyang mapagsakripisyong kamatayan—ay nagsilbing “isang matuwid na gawa.”—Roma 5:18, 19.