Talababa
d Ang pagkawasak ng Babilonya ay isa lamang halimbawa ng natupad na hula sa Bibliya. Kabilang sa iba pang halimbawa ang pagkawasak ng Tiro at Nineve. (Ezekiel 26:1-5; Zefanias 2:13-15) Gayundin, binanggit ng hula ni Daniel ang sunud-sunod na pandaigdig na mga imperyo na hahawak ng kapangyarihan pagkatapos ng Babilonya. Kabilang sa mga ito ang Medo-Persia at Gresya. (Daniel 8:5-7, 20-22) Tingnan ang Apendise, sa artikulong “Si Jesu-Kristo—Ang Ipinangakong Mesiyas,” para sa pagtalakay sa maraming hula hinggil sa Mesiyas na natupad kay Jesu-Kristo.