Talababa
b Mga 35 kilometro mula sa timog-silangan ng Nineve ang Cala (Nimrud), na muling itinayo ni Ashurnasirpal. Itinatanghal sa British Museum ang mga entrepanyong pader mula sa Cala, na doo’y kababasahan natin: “Detalyadong inilarawan ni Ashurnasirpal ang kabangisan at kalupitan ng isinagawa niyang mga kampanya. Ang mga bilanggo ay binigti sa mga poste o ibinayubay sa mga tulos sa mga pader ng kinubkob na mga lunsod . . . ; ang mga binata at mga dalaga ay binalatan nang buháy.”—Archaeology of the Bible.