Talababa
c Ang salitang Griego na ginamit sa 1 Juan 5:3 para sa “pabigat” ay ginamit din sa Mateo 23:4 para ilarawan ang “mabibigat na pasan,” o detalyadong mga tuntunin at mga tradisyong gawa ng tao, na ipinapataw ng mga eskriba at Pariseo sa karaniwang mga tao. Ang salita ring ito ay isinaling “mapaniil” sa Gawa 20:29, 30 at tumutukoy sa malulupit na apostata na “magsasalita ng mga bagay na pilipit” at may balak na linlangin ang iba.