Talababa
d Hinihiling ng tipang Kautusan na ang isang babae, pagkatapos magsilang, ay dapat magbigay sa Diyos ng handog ukol sa kasalanan. (Levitico 12:1-8) Ipinaaalaala ng kahilingang ito ang malungkot na katotohanan na ipinapasa ng mga tao ang kasalanan sa kanilang mga anak. Nakatulong ito sa mga Israelita na magkaroon ng wastong pananaw hinggil sa kapanganakan ng isang sanggol at maaaring nag-udyok sa kanila na umiwas sa mga paganong kaugalian sa pagdiriwang ng kapanganakan.—Awit 51:5.