Talababa
g Mula sa pagkakataong ito, tinawag nang Pablo si Saul. Sinasabi ng ilan na ginamit niya ang kaniyang Romanong pangalan para parangalan si Sergio Paulo. Pero ang paggamit niya ng pangalang Pablo kahit wala na siya sa Ciprus ay nagpapahiwatig na ipinasiya na ni Pablo, “isang apostol para sa ibang mga bansa,” na gamitin na ang kaniyang Romanong pangalan. May isa pang posibleng dahilan. Ginamit na niya ang pangalang Pablo dahil ang bigkas ng mga Griego sa kaniyang Hebreong pangalang Saul ay katunog ng isang Griegong salita na may masamang kahulugan.—Roma 11:13.