Talababa
a Sa ilustrasyong ito ni Jesus, malamang na naalaala ng kaniyang mga tagapakinig si Arquelao, anak ni Herodes na Dakila. Bago mamatay si Herodes, itinalaga niya si Arquelao bilang tagapagmanang hari sa Judea at sa iba pa niyang nasasakupan. Pero bago makapamahala si Arquelao, kailangan muna niyang maglakbay nang malayo patungong Roma para hingin ang basbas ni Augusto Cesar.