Talababa
b Jehovah ang karaniwang anyong Ingles ng pangalan ng Diyos, kung paanong ang Jesus ang karaniwang anyo ng Hebreo na Ye·shuʹaʽ o ng Griego na I·e·sousʹ. Sa kaniyang mahigit na 600-pahinang Grammaire de l’hébreu biblique, na lathala ng Pontifical Biblical Institute sa Roma, isinulat ng Jesuwitang Propesor Joüon: “Sa aming mga salin, sa halip ng (sinasapantahang) anyong Yahweh, ginamit namin ang anyong Jéhovah . . . na karaniwang anyo na ginagamit sa Pranses.”