Talababa
a Sa aktuwal, ang mga salitang Hebreo para sa “mga nagsisipagtayo” (Aw 127 talatang 1) at “mga anak” (Aw 127 talatang 3) ay kapuwa inaakalang galing sa ugat na nangangahulugang “magtayo.” Isa pa, sa Hebreo ang salitang “bahay” ay maaaring tumukoy alinman sa isang “tirahang dako” o isang “pamilya.” (2 Samuel 7:11, 16; Mikas 1:5) Samakatuwid, ang pagtatayo ng isang bahay ay kaugnay ng pagtatayo ng isang pamilya. Ang pagpapala ni Jehova ay kailangan sa dalawang bagay na iyan.