Talababa
a Samantalang sinasabi ng Bibliya na “anuman ang inihahasik ng isang tao, ito rin ang kaniyang aanihin,” hindi ito nangangahulugan na ang pagdurusa ng isa ay parusa ng Diyos. (Galacia 6:7) Sa daigdig na ito na pinangingibabawan ni Satanas, kalimitan nang nakaharap ang matuwid sa higit na suliranin kaysa sa mga balakyot. (1 Juan 5:19) “Kayo ay magiging mga tudlaan ng pagkapoot ng lahat ng mga tao dahil sa aking pangalan,” ang sabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad. (Mateo 10:22) Maaaring dumanas ng pagkakasakit at iba pang uri ng kasawian ang sinuman sa tapat na mga lingkod ng Diyos.—Awit 41:3; 73:3-5; Filipos 2:25-27.