Talababa
a Yamang marami sa mga Judio sa labas ng Israel ang hindi na mahusay sa pagbabasa ng Hebreo, di-nagtagal at nakita ng mga pamayanang Judio gaya niyaong nasa Alexandria, Ehipto, ang pangangailangang isalin ang Bibliya sa pang-araw-araw na wika. Upang matugunan ang pangangailangang ito, inihanda ang bersiyon na Griegong Septuagint noong ikatlong siglo B.C.E. Ang bersiyong ito ang nang dakong huli ay naging mahalagang reperensiya sa paghahambing ng teksto.