Talababa
b Humigit-kumulang noong taóng 760 C.E., iginiit ng isang grupong Judio na kilala bilang mga Karaite ang mas mahigpit na pagsunod sa Kasulatan. Palibhasa’y tinatanggihan ang awtoridad ng mga rabbi, ang “Binigkas na Batas,” at ang Talmud, mas malaki ang dahilan nila na sistematikong ingatan ang teksto ng Bibliya. Ang ilang pamilya sa grupong ito ay naging dalubhasang Masoretikong mga tagakopya.