Talababa
a May mahigit na 70 dako sa mga salaysay ng Ebanghelyo ang nag-uulat na si Jesus ay gumagamit ng isang di-karaniwang kapahayagan upang idiin ang pagiging totoo ng kaniyang mga salita. Madalas niyang sabihin ang “Amen” (“Katotohanang,” NW) upang iharap ang isang pangungusap. Ang katumbas na salitang Hebreo ay nangangahulugang “tiyak, totoo.” Ganito ang sabi ng The New International Dictionary of New Testament Theology: “Inuuri ni Jesus ang kaniyang mga salita bilang tiyak at maaasahan sa pamamagitan ng paghaharap sa mga ito taglay ang amen. Siya’y nanindigan sa mga ito at siya at ang kaniyang mga tagapakinig ay nanghawakan sa mga yaon. Ang mga yao’y kapahayagan ng kaniyang kamáhálan at awtoridad.”