Talababa
a Pagkamatay ni C. T. Russell, inihanda ang isang publikasyon na tinukoy bilang ang ikapitong tomo ng Studies in the Scriptures sa pagtatangkang maglaan ng isang paliwanag hinggil sa mga aklat ng Ezekiel at Apocalipsis. Ang tomo ay ibinatay, sa isang bahagi, sa mga naging komento ni Russell hinggil sa mga aklat na iyon ng Bibliya. Gayunman, ang panahon ng pagsisiwalat sa kahulugan ng mga hulang iyon ay hindi pa dumarating, at sa pangkalahatan, ang ibinigay na paliwanag sa tomong iyon ng Studies in the Scriptures ay malabo pa. Nang sumunod na mga taon, mas tumpak na naunawaan ng mga Kristiyano ang kahulugan ng makahulang mga aklat na iyon dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan ni Jehova at sa mga nagaganap sa tanawin ng daigdig.