Talababa
a Ang isang ambisyosong pakana na tulad nito ay malayong gawin ng gayong mapagpahalaga at mapagpakumbabang taong tulad ni Mepiboset. Walang-alinlangang alam na alam niya ang tapat na halimbawang iniwan ng kaniyang ama, si Jonatan. Bagaman isang anak ni Haring Saul, mapagpakumbabang kinilala ni Jonatan si David bilang siyang pinili ni Jehova na maging hari sa Israel. (1 Samuel 20:12-17) Bilang may-takot sa Diyos na magulang ni Mepiboset at matapat na kaibigan ni David, hindi tuturuan ni Jonatan ang kaniyang batang anak na maghangad ng maharlikang kapangyarihan.