Talababa
a Isang dahilan ito kung bakit iniuugnay ng mga Armeniano ang kanilang bansa sa Bundok Ararat. Noong unang panahon, ang Armenia ay isang pagkalaki-laking kaharian na ang teritoryo ay sumasaklaw sa kabundukang ito. Kaya naman sa Isaias 37:38, ang pananalitang “lupain ng Ararat” ay isinalin na “Armenia” sa Griegong Septuagint na salin ng Bibliya. Ang Bundok Ararat ay nasa Turkey sa ngayon, malapit sa silanganing hanggahan nito.