Talababa
a Sa isang liham sa U.S. Mint (Pagawaan ng Barya), na may petsang Nobyembre 20, 1861, sumulat si Treasury Secretary Salmon P. Chase: “Walang bansa ang magiging malakas kung hindi dahil sa lakas ng Diyos, o magiging ligtas kung hindi Niya ito ipagtatanggol. Ang pagtitiwala ng ating bayan sa Diyos ay dapat na ipahayag sa ating pambansang mga barya.” Bilang resulta, ang sawikain na “In God We Trust” ay unang lumitaw sa ginamit na barya ng Estados Unidos noong 1864.