Talababa
b Ang kabalisahan na inilarawan dito ay binibigyang-kahulugan na “nakababahalang takot, na pumapawi ng lahat ng kagalakan sa buhay.” Ang ilang salin ay kababasahan ng “huwag mabalisa” o “huwag mabahala.” Ngunit ang gayong mga salin ay nagpapahiwatig na hindi tayo dapat magsimulang mabalisa o mabahala. Isang reperensiyang akda ang nagsabi: “Ang panahunan ng Griegong pandiwa ay nasa pautos na pangkasalukuyan, na nagpapahiwatig ng pag-uutos na huminto sa paggawa ng isang bagay na kasalukuyang ginaganap.”