Talababa
c Sa makasiyensiyang diwa, mali ang ginagamit nating termino kapag tinutukoy natin ang “pagsikat” at “paglubog” ng araw. Ngunit sa araw-araw na pakikipag-usap, kapuwa naman tumpak at tinatanggap ang mga salitang ito, kapag isinasaalang-alang ang natatanaw natin mula rito sa Lupa. Sa gayunding paraan, hindi tinatalakay ni Josue ang astronomiya; iniuulat lamang niya ang mga pangyayari ayon sa nakikita niya.