Talababa
a Gaya ng modelong panalangin na itinuro ni Jesus, binabanggit din sa Kaddish ang pagpapabanal sa pangalan ng Diyos. Bagaman pinagtatalunan pa kung ang Kaddish ay dinadasal na noong panahon ni Kristo o mas maaga pa rito, hindi tayo dapat magtaka kung may mga pagkakahawig ang dalawang panalanging ito. Hindi nilayon ang panalangin ni Jesus para maging isang bago at kakaibang panalangin. Bawat isa sa mga kahilingan nito ay lubusang nakasalig sa Kasulatang taglay noon ng mga Judio. Hinimok ni Jesus ang mga kapuwa niya Judio na ipanalangin ang mga bagay na dapat ay ipinananalangin na nila noon pa man.