Talababa
a Itinutuwid ng mga pananalitang ito ni Jesus ang maling ideyang ipinahihiwatig sa salin ng ilang bersiyon ng Bibliya sa salitang “pagkanaririto.” Isinalin ito ng ilang salin bilang “pagparito,” “pagdating,” o “pagbabalik,” na pawang nagpapahiwatig ng isang panandaliang pangyayari. Gayunman, pansinin na itinulad ni Jesus ang kaniyang pagkanaririto hindi sa Baha noong panahon ni Noe, na isang pangyayari lamang, kundi sa “mga araw ni Noe,” isang napakahalagang yugto ng panahon. Gaya ng yugto ng panahong iyon, ang pagkanaririto ni Kristo ay isang yugto ng panahon kung kailan magiging abalang-abala ang mga tao sa kanilang mga gawain sa araw-araw, anupat hindi nila mabibigyang-pansin ang babalang ibinigay sa kanila.