Talababa
a Ang terminong ginamit ni apostol Pablo sa orihinal na wika na isinaling pagkamakatuwiran ay mahirap tumbasan ng iisang salita. Ganito ang binabanggit ng isang reperensiyang akda: “Kasama rito ang pagiging handang isakripisyo ang personal na karapatan at pagpapakita ng konsiderasyon at kahinahunan sa iba.” Kaya ang salitang ginamit ni Pablo ay nagpapahiwatig ng pagiging mapagparaya at makatuwiran, anupat hindi iginigiit ang sinasabi ng kautusan, ni ipinipilit ang sariling kagustuhan o karapatan.