Talababa
a Ang katakawan ay isang saloobin na nagpapakita ng kasakiman o labis na pagpapakasasa sa pagkain. Kaya hindi sa laki ng katawan ng isa nakikita ang katakawan kundi sa kaniyang saloobin sa pagkain. Ang isang tao ay maaaring katamtaman ang laki ng katawan, o payat pa nga, pero matakaw. Sa kabilang panig naman, ang sobrang timbang ng ilan ay dahil sa isang karamdaman, o ang kanilang katabaan ay maaaring namana. Samakatuwid, ang katakawan ay nakadepende, hindi sa timbang ng isang tao, kundi sa sobrang kasakiman sa pagkain.—Tingnan ang “Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa” sa Nobyembre 1, 2004, isyu ng Ang Bantayan.