Talababa
a Sinabi ni Jesus: “Kaya nga dapat kayong magpakasakdal, kung paanong ang inyong makalangit na Ama ay sakdal.” (Mat. 5:48) Malinaw na nauunawaan niyang maging ang mga di-sakdal na mga tao ay maaaring maging sakdal sa relatibong paraan. Maaari nating tuparin ang utos na ibigin ang ating kapuwa nang walang pag-iimbot at sa gayon ay mapalugdan ang Diyos. Sa kabilang panig, si Jehova ay sakdal sa lahat ng bagay. Kapag ikinakapit sa kaniya ang salitang “katapatan,” nagsasangkot din ito ng kasakdalan.—Awit 18:30.