Talababa
c Kapansin-pansin ang hindi pagbanggit kay Jose sa ulat ng ministeryo ni Jesus yamang nabanggit naman ang iba niyang kapamilya—ang kaniyang ina at mga kapatid na lalaki at babae. Halimbawa, sa kasalan sa Cana, mababasa nating abala si Maria at nag-aasikaso pa nga sa mga gawain, pero wala roon si Jose. (Juan 2:1-11) Sa isa pang pangyayari, mababasa natin na tinukoy ng mga kababayan ni Kristo ang lalaking si Jesus na “anak ni Maria,” hindi anak ni Jose.—Marcos 6:3.