Talababa
b Idiniriin ng Septuagint na mahimbing ang tulog ni Jonas nang banggitin nito na siya ay humilik. Pero sa halip na isiping ang pagtulog ni Jonas ay tanda ng kawalang-malasakit sa bahagi niya, maaalaala natin na paminsan-minsan, inaantok ang iba dahil pinanghihinaan sila ng loob. Sa panahon ng matinding paghihirap ni Jesus sa hardin ng Getsemani, sina Pedro, Santiago, at Juan ay “umiidlip dahil sa pamimighati.”—Lucas 22:45.