Talababa
b Ang santuwaryo ay isang malaki at parihabang tolda na may balangkas na kahoy. Pero gawa ito sa pinakamainam na mga materyales—mga balat ng poka, magagandang tela na may burda, at mamahaling kahoy na nababalutan ng pilak at ginto. Ang santuwaryo ay itinayo sa parihabang looban na may napakagandang altar para sa mga handog. Paglipas ng panahon, malamang na nagtayo ng iba pang mga silid sa gilid ng tabernakulo para sa mga saserdote. Maaaring natulog si Samuel sa isa sa mga silid na iyon.