Talababa
c Binabanggit ng ulat ang dalawang halimbawa ng kawalang-galang. Una, espesipikong sinasabi ng Kautusan kung alin sa mga bahagi ng handog ang puwedeng kainin ng mga saserdote. (Deuteronomio 18:3) Subalit iba ang ginagawa ng masasamang saserdote sa tabernakulo. Inuutusan nila ang kanilang mga tagapaglingkod na basta tusukin ng tinidor ang pinakukuluang karne sa kaldero at kunin ang anumang bahagi na makukuha nila! Isa pa, kapag dinadala ng mga tao ang kanilang handog na susunugin sa altar, tinatakot ng mga tagapaglingkod ng masasamang saserdote ang naghahandog at hihingin ang hilaw na karne bago pa man maihandog kay Jehova ang taba ng hain.—Levitico 3:3-5; 1 Samuel 2:13-17.