Talababa
b Sinasabi sa Levitico 19:18: “Huwag kang maghihiganti ni magkikimkim ng sama ng loob laban sa mga anak ng iyong bayan; at iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili.” Itinuturo ng mga Judiong lider ng relihiyon na ang “mga anak ng iyong bayan” at ang “iyong kapuwa” ay tumutukoy lang sa mga Judio. Sinasabi ng Kautusan na ang mga Israelita ay dapat manatiling hiwalay sa ibang mga bansa. Gayunman, hindi nito sinusuportahan ang pangmalas ng unang-siglong mga lider ng relihiyon, na nagsasabing ang lahat ng di-Judio ay dapat ituring na kaaway at kapootan bilang mga indibiduwal.