Talababa
d Si Jerjes I ay kilaláng pabagu-bago ang isip at marahas. Iniulat ng Griegong istoryador na si Herodotus ang ilang halimbawa noong nakikipagdigma si Jerjes laban sa Gresya. Nagpagawa ang hari ng isang tulay sa kipot ng Hellespont. Nang masira ng bagyo ang tulay na ito, iniutos ni Jerjes na pugutan ng ulo ang mga inhinyerong gumawa nito at “parusahan” ang Hellespont sa pamamagitan ng paghampas sa tubig nito habang binabasa nang malakas ang isang nakaiinsultong proklamasyon. Sa digmaan ding iyon, nang makiusap ang isang mayamang lalaki na huwag nang isama ang kaniyang anak sa hukbo, ipinahati ni Jerjes ang katawan ng anak nito at idinispley bilang babala.